Rememorer
Always look at the brighter side of your life :)
Sunday, March 15, 2009 • 12:43 AM • 0 comments

HAHAHA! I had watch a lot of nakakatawang shows and commercials kanina >>> accidentally lang :)) And almost all of them is bragging about recession. Here's one example:

A man waiting in the sidewalk (monologue)
"Taghirap na talaga ngayon" (pinapaikot ung knife)(sigh)
"Wala ng nadaan... wala ng tao sa gabi.."
"Ang hirap ng buhay, WALA NA KONG MAHOLD UP!"

HAHAHAHAHA! Ang kulit ng commercial. Ang kulit ni manong :)) Life is really hard kaya naman I adore Filipino people. Ang lakas talaga ng fighting spirit.

Well, I am kinda lazy to finish my Social Notebook cause Maam Atienza is pissing me off. So bahala na siya diyan. Actually halos lahat ng teachers ay niloloko na kami. Kailangan daw namin mag recitation, gumawa ng project, magpasa ng kung anu anong ka ekclavushan para daw pumasa eh meron naman ng grade. Wag nilang sasabihing clearance yun, dahil tuwing clearance day na lang lagi silang nawawala at masyado silang demanding. Maawa naman kayo. Hanggang sa huli ba naman nagpapahirap pa kayo.

I am also thinking kung anu ba ang mangyayari for the remaining 2 weeks of school. Parang hindi ata kami nagprapractice ng graduation. Gusto ko nang magbakasyon! Bakit ang bagal ng araw? Btw, someone interviewed me in Facebook concerning the topic about graduation and high school experience. Ipopost ko din mamaya kasi ang tagal niya isend sa email ko eh. :))

And may gusto pa kong sabihin. I just want to say na...

1) Anong kinalaman ng directory ng telepono sa pag-aaral? Kasi naman one of my ever dearest teacher (sarcastic! haha!) is asking for it. As in lahat kami magbibigay. We are 39 in the class and syempre hindi pa kasama dun yung ibang tinuturuan niyang sections. So imagine kung gaano karaming pera ang makukurakot nila sa amin? Well, excuse me lang po , we all know the drill; ipapakilo niyo po yan dba? Oh please. Alam na namin yan. So pag hindi kami nagpasa wala kaming grade o di kami cleared? Come to think of it, we are all students-students studyin in a public school. Pero hindi po yun excuse para perahan niyo kami ng bonggang bonnga. Hindi naman po lahat kami may directory eh and hindi na yun ganong uso so paano kung hindi kami nakahanap. Nananawagan po ako na sana naman alamin ng concerned people yung nangyayari sa loob ng classroom. Matagal na kaming nasigaw kaya lang matagal na rin kayong bingi.


2) Tulong Barya o Pilit Barya? Gusto ko lang din po ipaalam na naiinis na ko sa barya barya isyu na to. Pinaproject po sa min yung mga tig 10 cents, 5 cents, 25 cents at kahit piso pa nga na barya pa daw sa sinsabing project ng bangko sentral na kinabibilangan ng aming school. Pero ayon po sa nakita kong poster "TULONG BARYA PO YUN." Pero tatlong beses na po kaming nagpasa ng mga baryang yun. Noong una po ay tinuligsa na namin yun kasi ang gusto po ng teacher namin na nasa Values Education Department ay magpasa kami ng 1.5 na bote na puno ng barya. Tapos nagpapasa sila ulit ng kasing laki ng bote ng c2 at ngayon naman clearance na namin yun. Wala naman pong masama sa paglahok sa mga ganitong contest para mabalik ang sirkulasyon ng mga barya sa ating bansa pero hindi po ba naiisip ng mga nagpapapasa nito ng may kapalit ding pera ang bawat pagpapabarya. Nasa public school po kami pero para kaming nagbibigay ng pera sa kanila. Diba po tulong barya yun so it means yung kaya lang naming ibigay eh bakit kailangan may limit? Tapos nung nagpasa isang classmates ko ng kasing laki ng bote ng yakult nagalit yung teacher namin. Bakit ganon? Tulong barya nga eh, hello. And hindi kami namimilosopo. Common Sense lang naman eh, tulong diba? Tapos nung meeting ng parents pinabulaanan niya yun. Nakanangtokawa~ nagkakalokohan na. Kung gusto niyo po kayo ang magcompute kung magkano yung naibigay ko dun. Lagpas 500 pesos na. Pambili na sana namin yung ng ulam diba?

3) At ang huli kong panalangin ay sana kung mabasa ang blog ko na to ng school namin ay hindi nila ireport sa guidance o kaya naman isuspend ako. Freedom of speech lang po to. Kahit po estudyante po ako meron pa rin akong mga karapatan- at yun ay ang karapatang magreklamo sa mga bagay na alam kong mali. Sana naman ay wag kanyong magbingibingihan o magbulag bulagan sa mga nangyayari. Ipakilo niyo ang mga notebook namin - sige! walang problema. Pero ang mga personal ng gamit sa bahay tulad ng directory na hindi lahat meron ay inderektang pamamaraan para makakuha ng pera. Humingi kayo ng barya- go! basta ba payag kayo ng magbibigay kami ng kaya namin. Pero ang magpapasa ng tatlong beses na may limit- pasensya na po, magpapasa kami pero hindi makakalagpas ang mga reklamo :) Salamat po.


Napakahirap na talaga ng buhay ngayon. At dahil malapit ng magbakasyon kailangan ko ng magipon para naman may gagamitin ako sa summer. Magcocollege na ko kaya kailangan maging praktikal. Kaya kahit maraming nagsasabing marami kaming pera, in just one snap pwedeng mawala yun kaya kailangang matipid lalo na ngayon- recession!


Gladys/22 years old/Philippines

Im beyond your peripheral vision and aiming for art school.Im a provinciana girl at heart. I do think too much and contradicts myself most of the time.The internet doesn't speak for itself. There's more than meets the eye.