Rememorer
You're Another Picture to Burn
Thursday, August 6, 2009 • 7:25 PM • 0 comments

Its my freetime again. Hallelujah! Praise the Lord! I've been dying to ask my precious time after a week of disturbance :) So Im currently idle here and Im waiting for the ash. Im currently uploading all the videos and pictures in my fb and multiply. I think they are already one month delayed. Dumami na nga kakaantay sa akin na mag-upload. And meron pala akong ipapakilala sa inyo. Guess who? My professors! =))))))))))) Omy! Hindi ko akalain na magagawa ko to. Pero simula kahapon, pinapasabog na nila yung mga ugat ko sa buong katawan dahil sa inis. Estudyante nga ko pero hindi ako utusan ng napakaraming school works at sandamakmak na lessons na kulang na lang hiramin ko kay Eistein yung utak niya sa sobrang hirap. Pero hindi naman ako nagrereklamo, nagtatanong lang kung bakit ganun. Habang tumatagal kasi lalo akong nahihirapan at tinatamad sa teaching strategies nila. Well, well, well, well, lets start :)

P.S Random Order and Codename lahat para fair :))


Mrs. Strict
Kasing soyal ng pangalan niya ang pagdidisiplina niya sa amin. Isa ang subject niya sa mga pinakasusumpa kong bagay sa buhay ko. Tuwing dumadating siya para bang nauubos na yung isang sakong tagalog words na alam ko. Kulang na lang maging makata ako. Lagi naming nirereformat yung libro kasi hindi daw yun yung tamang tagalog words dun. At yung mga tinatanong pang ibang words parang wala naman sa dictionary yun. Anak ng kamote! Kahit kasing galing mo pa si Balagtas magtagalog ay sisitahin ka pa rin niya. At tinalo pa niya yung pari sa simbahan namin, halos nauubos ang 30 minutes kakasermon at puna niya sa mga kabataang tulad namin.

Mrs. Oh So Cool
Isa siya sa mga gusto kong professor. Para lang siyang teenager kaya naman hanggang ngayon hindi ko pa rin mahulaan kung ilang taon na ba siya. Kung may mga profs na nag-uubos ng oras nila kakasermon sa amin, siya naman yung tye ng prof na nag-uubos ng oras kakakwento. May mga kwento siyang hardcore at pwede na ipalabas sa mga gag shows. Meron rin namang nakakaiyak bilang tribute niya kay Michael Jackson at meron namang pang Shake, Rattle and Roll sa sobrang goosebumps na makikita mo sa katawan mo pag siya na ang nagkwento. At magaling naman talaga siyang mag-english kaya kadalasan naiiwanan kaming nakanganga sa mga pinagsasabi niya.

Mrs. Nerd
Ngayon ko lang nalaman, pati pala sa mga teachers uso to. Itong prof ko na to ang pinakamasipag sa lahat ng profs ko pero minsan wala naman akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya. Siya yung type ng prof na kahit isuspend na yung klase dahil sa bagyo, baha, lindol o tsunami ee hindi pa rin matitinag at sasagarin ang tatlong oras na pagtuturo at 12 pesos per unit na binabayaran namin. Hindi uubra ang prayers at novena mo kung sakaling hinihiling mo na absent siya dahil may quiz o tinatamad ka lang gumawa ng worksheet. Ganon siya kasipag. Minsan pa nga hindi ko na naiiwasan na mag-isip na may masamang mangyari sa kanya at kumampi sa mga balak ni Satanas para lang umabsent siya. Kahit ata one day before sembreak ituturo pa rin niya ang Debit at Credit ee.

Mr. Saint slash Boring
Eto mabait to, boring nga lang and chaka magjoke. Pag nakikita ko siya feeling ko isa lang siya sa mga pinsan ko na more than 10 years ang tanda sa akin. Sobrang bait nito, promise. Pwede kang tumawad ng one week extension para lang magkapag review sa surprise quiz niya. Imagine that? Pero dahil sa sobrang bait niya, may pagka boring din siya. Parang laging may SONA. Nakakabingi na yung katahimikan pag siya ang nagtuturo. Kulang na lang lumunok ako ng santol para mabuhayan ng dugo tuwing nagtuturo siya. Pauso rin siya ng mga groupworks sa room para lang maanalyze yung mga piyesa na itinuturo sa subject niya. At yung mga jokes niya, naku! Hindi ko alam kong matatawa ba ko o papaluin ko na lang yung katabi ko sa sobrang kakornihan.

Mrs. Love Ko to!
Siya ang pinakagusto at pinakamahal kong prof kahit na hindi ko love ang subject niya. Para ko siyang lola sa sobrang bait sa amin. Napaka adventurous niya at napakaraming kwento. Siya ang dahilan ng sandamakmak na enjoyable moments ko sa iba't ibang lugar. Siya ang kabaliktaran ng lahat ng mga ugali ng mga sadista kong profs na walang ibang kayang gawin kundi gawin kaming slaves. Pag may test napakaconsiderate niya. Never ko pa siyang nakitang nagalit. Lagi siyang nakangiti at para bang laging masaya. Kung siya ang magiging teacher ko major ko mamahalin ko na talaga yung subject na yun ng sobra sobra.

Mr. Chaka Churvaloo
Siya ang pinakasusumpa kong prof sa lahat. Tinalo pa nito si kamatayan pag hinatulan ka nitong walang hiyang to. Wala tong sinasanto kahit si Gloria di uubra dito. Bawal matulog sa nakakaantok niyang subject. Bawal! Kailangan laging buhay ang dugo mo dito dahil pag nahuli ka nitong nakapikit wag mo nang asahang sisikatan ka ng araw. Hinding-hindi ko makakalimutan nung pinatayo ako nitong panget na to. Nasagot ko naman pero binago niya yung tanong. Ee di hindi ko na alam yung isasagot ko. Kulang na lang maglaslas ako ng pulso sa sobrang hirap ng mga pinagsasabi niya. At talaga namang maaalibadbaran ka lang sa way ng pagsasalita niya. Magsisisi ka kung bakit may tenga ka pa. Ang galit nito sa gobyerno ay sagad sa buto. At may kwento rin siyang ibinabahagi na hindi mo pwedeng ikwento sa mga batang ages 10 and down. May mga babae rin siyang napagkakamalang lalaki (walang hiya talaga!) at sa sobrang hi tech ng cellphone niya, hindi ko na alam kung anong unit yun. Laging may nagtetext sa kanya may klase man kami o wala. Pero ang hula namin ay ang asawa niya yun na pinapauwi na siya =))))))))) Mas gugustuhin pa niyang mag-antay na dumaan yung checker para idismiss kami kesa magturo hanggang ala-sais ng mga lessons niya.

Mrs. Di ko Feel
Siya naman ang counterpart ni Sir Chaka Churvaloo. Female version ng epal na si Churvaloo. Hindi ko alam kung may amnesia ba to o ewan pero parang hindi niya natatandaan yung mga binibigay niyang instructions kaya kami ang napagbubuntunan nitong panget na to. Uso rin sa kanya ang isang semester na reporting na tinalo pa ang pagbabasa ng Noli at Fili sa sobrang haba ng mga pinagsasabi. In the end marerealize mo na wala rin pa lang katuturan lahat ng yun dahil magseself study ka pa rin. At kakaibang trip din ang dala nitong prof na to. Tinalo pa ang Maalaala Mo Kaya sa sobrang pagdradrama nito sa panahon noon at ngayon. Lagi niyang sinasabing swerte kami kasi may internet, laptop, ipod, blah blah blah blah oink oink. Anak ng kamote naman oh! Feeling ko kahanay na niya yung mga nagawa ng mga ad campaign para sa pulitiko sa sobrang kadramahan.

Mr. Asan Na Siya
Kung yung ibang professors ko ay kailangan pang novenahan para umabsent, ito kahit student teacher lang ang naattend sa klase niya ee okay na kami. Dalawang beses ko pa lang ata siya nakikita sa tanang buhay ko. Walang ibang pinagagawa sa min to kundi makinig dun sa lesson ng student teacher niya na crush ata ng mga classmates ko at sunugin sa oval kasama ang mga kambing na feel na feel ang napakainit na playground nila. Tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko lang si Manny Villar. Hawig much! At sa concept pa lang ng subject niya ay paniguradong mapapainom ka ng Alaxan sa sobrang sakit ng katawan mo pagkatapos mong magtatakbo, palupaluin at saluhin ang bola. BRABALIBINTAWAN! =)) Isang panalangin ko lang naman pag subject niya ay sana may magreport sa university namin na signal #8 ang bagyo para hindi kami magpagulong gulong sa oval habang siya naman ay sarap na sarap sa kakatanaw kung naabo na ba kami sa disyertong yun.

So, I think I dont have to explain why am I suffering this much this Semester. Ganyan kasadista ang mga profs ko. Ganyan sila. So please bear with me =))


Gladys/22 years old/Philippines

Im beyond your peripheral vision and aiming for art school.Im a provinciana girl at heart. I do think too much and contradicts myself most of the time.The internet doesn't speak for itself. There's more than meets the eye.