Rememorer
What's Wrong With Filipinos?
Friday, January 15, 2010 • 4:39 PM • 0 comments

"What's wrong with Filipinos?" - Hero Angeles from the movie, Can this be love?

Ilang beses ko nang napanuod ang pelikulang to pero ngayon nagkaroon ng impact sa akin itong linya to. Anu na nga ba ang mali sa Filipino? Sa tingin ko tayo mismo ang napakalaking kamalian sa ating bansa.

"Mahirap ang buhay," yan ang madalas sabihin nating mga Pilipino mapa mayaman man o mahirap. At bilang pampalubag loob sa naghihingalong nasyon ay sabay sabay nating isisi ito sa gobyerno, sa presidente, sa sistema at sa mga kurakot na opisyal ng lipunan. Totoo naman pero dapat nga ba na sila alng ang sisihin sa ating mga dinadanas ngayon? Sa palagay ko hindi.

Mas gusto nating ipagmalaki ang ibang bansa kaysa sa ating sariling bansa. Para sa atin mas maganda pag imported, mas sikat pag mamahalin at mas cool kung hindi tatak Pinoy ang gagamitin. Mas ginugusto pa nating magutom at malubog sa utang kesa walang maipagmalaking mga mamahaling imported na gamit.

Mas gusto nating mabisita ang America, Europe at Disneyland kesa maappreciate ang ganda ng Banawe, Palawan, Ilocos, Pangasinan, Corregidor at iba pa. Madalas tayong nasasabihan ng mandaraya ng mga dayuhan dahil niloloko daw natin sila (at madalas ito ay totoo).

Iilan ilan na lang sa mga kabataan ang nakakaappreciate ng Pilipinas. Halos lahat ay nangangarap na tumira na sa ibang bansa. Buti sana kung ang mga nagrereklamo sa kamalian ng Pilipinas ay yung mga nakatira sa ilalim ng tulay o mga batang namamalimos sa kalsada pero hindi- madalas binubuo ito ng mga taong nakaranas na ng snow at dollars.

And now I wonder, If Senator Ninoy Aquino is still alive, do you think he could still say that, "Filipinos are worth fighting for?" Filipino people care less nowadays. And it is so hard to deal with insensitive people. Bakit madalas wala tayong pakealam malibang na lang kung tayo ang naapektuhan o ang pamilya natin? Why cant we find ways and means to prevent our fellow kababayans to leave the country and cultivate the future without becoming slaves of other countries.

I you are going to ask me, if the Filipinos are worth fighting for? I would still say yes. For my country is my mother and my kababayans are my brothers and sisters. Surely, you'd die for your family if given the circumstance right? Any noble cause is worth dying for.

Let us start with ourselves. If we change the way we think to our government and trust them little by little then maybe they can trustwothy enough for our country. If we change the way we think about our country and start being responsible and disciplined, maybe in time, maybe not in our generation, the Philippines will be a better place because we started something different within ourselves.


Gladys/22 years old/Philippines

Im beyond your peripheral vision and aiming for art school.Im a provinciana girl at heart. I do think too much and contradicts myself most of the time.The internet doesn't speak for itself. There's more than meets the eye.