Rememorer
Teenage Drama Queen
Thursday, February 4, 2010 • 2:03 AM • 0 comments

Nic and I had a serious talk last time. Something about *booom* (kinda confidential) and for my nth ohmygawd- its drama again. Im kinda tired of this thing and its really frustrating to hear those words. Claptrap lahat ng yun! I dont want to talk about it but I realized that my friends are involved and I think they all need my support. Sa totoo lang I dont get it kung bakit ganun yung feelings nila towards my friends. Cause actually Im really observant when it comes to people. If ever na ayaw ko ang isang tao, alam ko kung bakit ako inis or galit sa kanya. Hindi ako madalas ma turn off sa mga simpleng flaws lang. As much as possible, pinipilit ko yung sarili ko na makita yung positive side ng tao (pero hindi lagi kasi nakakabulag yun).

Pero nung nagexplain sa kin si Nicole, talagang naisip kong napakahirap isegregate ang true friends from the fake ones. Sabi sa kin ni Nic, "Mag-ingat ka kasi hindi lahat ng mabait sayo friend mo at gusto ka." To tell you honestly, may mga pinaplastic din ako. Pero hindi yung super plastic na paniniwalain ko na gusto ko sila. Kung hindi naman nila ako iniirita at labas sa usapan naman ang inis ko ee hindi ko naman sila tatarayan. For me, dalawa lang naman ang purpose ng plastikan.

1) Ayaw mong makasakit. It doesnt mean na pag hate mo ang isang tao ay wala ka ng pakialam sa feelings niya. I mean, hello! anu ba?!?! syempre take to consideration na lang as a person. Sobrang sakit pag nakakarinig ka ng something about yourself diba?? Lalo na pag hindi maganda. At naniniwala ako na pag wala kang masasabing maganda, tumahimik ka na lang. Ilugar mo lang.

2) Mahilig ka talagang mangwalang hiya. Sa mga ganitong usapin feeling ko magkakadugtong ang mabubuong kasalanan dito. Syempre paplastikin mo yung tao tapos magsisisnungaling ka sa kanya tapos hahanap ka ng karamay tapos masisira yung tao sa iba niyang friends (dahil sa sarili mong opinion). Nakakainis isipin pero kalechehan lang talaga to eh.

Pero sa kaso namin ng mga friends ko hindi yan yung purpose ng kaplastikan nila, sa tingin ko takot lang talaga sila. Hello! Ang dami dami niyo bakit hindi niyo masamsampal sa mukha namin yung pinagsasabi niyo. And within your group may kinaiinisan din ako, actually pwede niyong tanungin sa dalawa niyong friends na kaclose ko.

Pero infairness, natatawa ako. Sobrang pinapasaya nila ako. Talagang nililinaw nila sa akin kung anung klase silang tao. At sa totoo lang, I dont really care kung mabasa niyo ito. Wish ko nga I can drop names ee kaya lang Im thinking of Nicole's sake. Syempre baka sabihin niyo, pinagkalat na naman niya to. At hoy para sabihin ko sa inyo, sa akin niya sinabi yung love issue about your friends. At kwinento ko kay Det then I dont know what happened na. Sue me if you want. Anu ba kayo? Kahit nga hindi yun sinabi ni Nic sa kin, matutuklasan ko pa rin yun. Sa sobrang adik niyo mag gm, sino ba naman ang hindi makakahalata?!?! And whats wrong about being GC? Para sa kin kung asa lugar naman, okay lang. Sino bang gusto bumaba ang grade kahit ako ayoko ee. At bakit ba kayo affected sa pagiging GC nila, ipinapahamak ba nila kayo?

One should not regard the faults of others, things done or left undone by others but one should constantly consider one's own deeds of commission and omission. If one has fault-finding frame of mind, one will see that even a rose has its thorns. But why dwell on the flaws when we can enjoy the beauty of others? Every worldling has faults and it is useful to remember that no person is totally bad or evil.

Hindi naman ako nagmamalinis. Katulad ng iba, may hindi rin akong magandang ugali. Pero sa totoo lang, natatawa ako. Im sure maybe Im just giving my friends some cliche advices but atleast were giving you some benefits of doubt. Dahil hindi niyo naman talaga kami kilala, kaya mamatay kayo sa kakaisip kung kayo ba ang tama at kami ang mali.


Gladys/22 years old/Philippines

Im beyond your peripheral vision and aiming for art school.Im a provinciana girl at heart. I do think too much and contradicts myself most of the time.The internet doesn't speak for itself. There's more than meets the eye.